| 1 | Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako. |
| 2 | Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila. |
| 3 | Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila? |
| 4 | Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro. |
| 5 | Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar! |
| 6 | Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan. |
| 7 | Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma. |