| 1 | Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo? |
| 2 | Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. |
| 3 | Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip. |
| 4 | Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man. |
| 5 | Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan. |
| 6 | Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi. |
| 7 | Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa. |
| 8 | Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man. |