| 1 | Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon, |
| 2 | Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin: |
| 3 | Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin: |
| 4 | Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos: |
| 5 | Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig. |
| 6 | Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin. |
| 7 | Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli: ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan. |
| 8 | Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa. |