| 1 | Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan. |
| 2 | Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo. |
| 3 | Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang. |
| 4 | Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon. |
| 5 | Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay. |
| 6 | Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa'y suma Israel. |