| 1 | Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon. |
| 2 | Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik. |
| 3 | Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo? |
| 4 | Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan. |
| 5 | Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako. |
| 6 | Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga. |
| 7 | Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob. |
| 8 | At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan. |