| 1 | Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan. |
| 2 | Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan. |
| 3 | Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa. |
| 4 | Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw: purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta. |
| 5 | Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo. |
| 6 | Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon. |