1 | Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat. |
2 | Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan. |
3 | Sapagka't kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot. |
4 | Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka: ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti. |
5 | Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw; |
6 | Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman, ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat. |
7 | Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong kanan; nguni't hindi lalapit sa iyo. |
8 | Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata, at iyong makikita ang ganti sa masama. |
9 | Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan; |
10 | Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda. |
11 | Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. |
12 | Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. |
13 | Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa. |
14 | Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko. |
15 | Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya. |
16 | Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas. |