| 1 | Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal. |
| 2 | Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon: nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha. |
| 3 | Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan: nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos. |
| 4 | Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto. |
| 5 | Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap: nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya. |
| 6 | Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid. |
| 7 | Ang masama ay inilulugmok at nawawala: nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo. |
| 8 | Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan: nguni't ang masama sa puso ay hahamakin. |
| 9 | Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin, kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay. |
| 10 | Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik. |
| 11 | Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa. |
| 12 | Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao: nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga. |
| 13 | Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao: nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan. |
| 14 | Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya. |
| 15 | Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo. |
| 16 | Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala: nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan. |
| 17 | Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran, nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya. |
| 18 | May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan. |
| 19 | Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang. |
| 20 | Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan. |
| 21 | Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan. |
| 22 | Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran. |
| 23 | Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan. |
| 24 | Ang kamay ng masipag ay magpupuno: nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag. |
| 25 | Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya. |
| 26 | Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa: nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw. |
| 27 | Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan; nguni't ang mahalagang pag-aari ng tao ay sa mga masisipag. |
| 28 | Nasa daan ng katuwiran ang buhay; at sa kaniyang landas ay walang kamatayan. |