| 1 | Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo, kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo; |
| 2 | At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain. |
| 3 | Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain; yamang mga marayang pagkain. |
| 4 | Huwag kang mainip sa pagyaman; tumigil ka sa iyong sariling karunungan. |
| 5 | Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala? Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak, gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit. |
| 6 | Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata, ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain: |
| 7 | Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya: kumain ka at uminom ka, sabi niya sa iyo; nguni't ang puso niya ay hindi sumasaiyo. |
| 8 | Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka, at iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita. |
| 9 | Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang; sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita. |
| 10 | Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa; at huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila: |
| 11 | Sapagka't ang kanilang Manunubos ay malakas; ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo. |
| 12 | Ihilig mo ang iyong puso sa turo, at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman. |
| 13 | Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay. |
| 14 | Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol. |
| 15 | Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas, ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin: |
| 16 | Oo, ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay. |
| 17 | Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan: kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw: |
| 18 | Sapagka't tunay na may kagantihan; at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay. |
| 19 | Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas, at patnubayan mo ang iyong puso sa daan. |
| 20 | Huwag kang mapasama sa mga mapaglango; sa mga mayamong mangangain ng karne: |
| 21 | Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan: at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi. |
| 22 | Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda. |
| 23 | Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa. |
| 24 | Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya. |
| 25 | Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak siyang nanganak sa iyo. |
| 26 | Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso, at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan. |
| 27 | Sapagka't ang isang patutot ay isang malalim na lubak; at ang babaing di kilala ay makipot na lungaw. |
| 28 | Oo, siya'y bumabakay na parang tulisan, at nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao. |
| 29 | Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata? |
| 30 | Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak. |
| 31 | Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro, |
| 32 | Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong. |
| 33 | Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay. |
| 34 | Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan. |
| 35 | Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli. |